Pagpapatupad muli ng Death penalty, ipinanawagan ng VACC

Muling nanawagan ang Volunteers Against Crime and Corruption para sa muling pagpapatupad ng death penalty kasunod ng mga high-profile killings.

Sa isang pulong balitaan, hinimok ng VACC sina Pangulong Duterte at ang Kongreso para sa pag-iral muli ng death penalty.

Iginiit ni VACC Vice Chairman at Spokesperson Boy Evangelista na ang death penalty ay mainam na tugon laban sa pagtaas ng krimen.

Ang parusang bitay anya ay gagamitin lang laban sa mga kriminal at hindi sa mga mamamayan na sumusunod sa batas.

Ayon pa kay Evangelista, walang batayan ang argumento na ang death penalty ay anti-poor dahil ang mga mahihirap na akusado ay bibigyan naman ng abogado mula sa Public Attorneys Office.

Tinukoy naman ni VACC President Cory Quirino  na nais nilang ipatupad ang death penalty laban sa mga nakagawa ng murder, rape at kidnapping at iba pang karumal-dumal na krimen.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *