Pagpapatupad ng 2 linggong Alert level 4 with granular lockdown sa Metro Manila, epektibo-NEDA
Naniniwala ang National Economic Development Authority o NEDA na naging epektibo ang pagpapatupad ng dalawang linggong Alert level 4 with granular lockdown sa Metro Manila.
Sa regular press briefing sa Malakanyang sinabi ni NEDA Chief Secretary Karl Chua na nakagalaw na ang ekonomiya sa Metro Manila sa ilalim ng alert level 4 with granular lockdown batay sa economic data na hawak ng Economic managers ng pamahalaan.
Ayon kay Chua, bumaba rin ang kaso ng COVID 19 na naitatala sa Metro Manila sa kabila ng ipinatupad na bahagyang pagbubukas ng ekonomiya at hinayaan ang marami na makapag-hanapbuhay.
Inihayag ni Chua hindi talaga solusyon ang implementasyon ng regionwide lockdown dahil mas pabor sa ekonomiya ang granular lockdown upang mapanatili ang galaw ng mga negosyo.
Vic Somintac