Pagpapatupad ng 70 percent operating capacity sa mga pampublikong sasakyan sa NCR, hindi magiging super spreader ng COVID- 19 – Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na hindi magiging superspreader ng COVID-19 ang pagpapatupad ng 70 percent operating seating capacity sa mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region o NCR.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na mahigpit na ipapatupad ang minimum standard health protocol lalo na ang pagsusuot ng facemask at faceshield sa mga pampublikong sasakyan.
Ayon kay Roque, pumayag ang Inter Agency Task Force o IATF na itaas na sa 70 percent ang operating seating capacity sa mga pampublikong sasakyan sa NCR dahil mahigit 80 porsiyento na ng populasyon ng Metro Manila ay fully vaccinated na laban sa COVID 19.
Inihayag ni Roque nasa manageable level narin ang attack at transmission rate ng COVID-19 ganun din ang hospital bed utilization sa NCR.
Niliwanag ni Roque ang pagtataas sa 70 percent operating seating capacity sa mga pampublikong transportasyon ay bahagi ng pagluluwag ng mga restriction upang makabangon na ang ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemya ng COVID-19.
Vic Somintac