Pagpapatupad ng Alert Level system sa ibang lugar sa bansa, pag-aaralan pa ng IATF
Isasailalim pa sa pag-analisa ng mga eksperto ang mga datos na nakalap sa panahong ipinatutupad ang Alert level 4 sa Metro Manila kung naging epektibo ito sa pagkontrol ng pagkalat ng Pandemya ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque depende sa resulta ng pag-aaral ng mga eksperto sa pag-iral ng Alert level system sa Metro Manila kung maaari na itong ipatupad sa ibang lugar sa bansa kapalit ng kasalukuyang community quarantine classifications na Enhanced Community Quarantine, Modified Enhanced Community Quarantine, General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.
Ayon kay Roque sa inisyal na findings ng mga eksperto sa pagpapatupad ng Alert level system with granular lockdown sa Metro Manila sa loob ng isang buwan ay maituturing na epektibo dahil bumababa ang transmission at attack rate ng COVID-19 sa National Capital Region kaya mula sa Alert level 4 ay ibaba na sa Alert level 3 sa October 16 hanggang October 31.
Inihayag ni Roque lahat ng mga key indicators sa sukatan ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila ay nakita ang magandang resulta sa pagpapatupad ng alert level system with granular lockdown dahil bumaba ang hospital bed utilization, ICU utilization at ventilator utilization kaya mula sa pagiging high risk ng NCR ay naging moderate risk na lamang.
Vic Somintac