Pagpapatupad ng Asean Economic Cooperation, patuloy na isusulong ng Pilipinas para sa ikauunlad ng ekonomiya ng bansa

Magiging bukas pa rin ang Pilipinas sa pakikipagdayalogo sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa at Asean Region.

Ito ang ipinahayag ni Department of Trade and Industry o DTI Secretary Ramon Lopez sa pagbubukas ng 49th Asean Economic Ministerial meeting.

Aniya, bilang host country, tungkulin ng pamahalaan na mas lalu pang pag-iibayuhin at isusulong ng Pilipinas ang pagpapatupad ng AEC o Asean Economic Cooperation para mas marami pa ang makinabang at patuloy ang pagdaloy ng negosyo at pamumuhunan sa bansa at sa Asean region.

Bibigyang prayoridad din ng pamahalaan ang pagsuporta sa mga Micro Small and Medium enterprises na siyang pangunahing kakatulungin ng bansa para mas marami pang investors ang maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.

Magiging bukas rin ang pamahalaan pagdating sa malayang pakikipagkalakalan sa mga bansang kasapi ng Asean at mga Regional Dialogue partners gaya ng China, Japan, Amerika, Canada, Australia, New Zealand, Russia, India at Hongkong.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *