Pagpapatupad ng Color-coded quarantine pass sa Caloocan city, tuloy pa rin ngayong MECQ
Upang makontrol ang bilang ng mga taong lumalabas, mahigpit pa rin ipatutupad sa Caloocan ang color-city ang coded quarantine pass system ngayong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ayon kay Mayor Oca Malapitan, kinakailangan pa rin ang paggamit ng quarantine pass sa bawat pamilya upang makontrol ang bilang ng mga taong lumalabas upang bumili ng mga pangunahing pangangailangan o magtungo sa mga establisyementong pinapayagan magbukas sa ilalim ng MECQ.
Ayon sa alkalde, ito ang pasya ng lokal na pamahalaan at magpapatuloy ang implementasyon nito hangga’t hindi binabawi ang nasabing kautusan.
Binigyang-diin ng alkalde na bagamat ibinaba sa MECQ ang quarantine status sa Metro Manila ay mahigpit pa rin ang kaniyang direktiba na ipatupad ang stay at home policy para sa mga unauthorized persons outside residence.
Patuloy namang humihingi ang alkalde ng kooperasyon sa mga mamamayan upang hindi masayang ang mga sakripisyo ng bawat isa laban sa Pandemya.
TL