Pagpapatupad ng ECQ sa Tabuk, Kalinga, simula na ngayong araw
Naging abala ang mga taga Kalinga lalo na na ang mga residente ng Tabuk, sa pamimili ng mga pangunahing pangangailangan o gamit bilang paghahanda na rin sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa buong lungsod ng Tabuk, simula ngayong Lunes, Enero 25.
Dahil dito, ipinatutupad na ng mga awtoridad sa mga itinalagang checkpoints ang health and safety protocol, stay at home policy at curfew hours para makontrol ang paggalaw ng mga tao.
Ito’y dahil sa kasalukuyan ay dumarami ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa lugar.
Gayunman, hindi lamang mga Tabukeño ang naging abala sa paghahanda at pamimili lalo na ng mga pagkain kundi maging ang mga karatig-bayan gaya ng Upper Kalinga na magpapatupad din ng mahigpit na community quarantine.
Ulat ni Xian Renzo Alejandro