Pagpapatupad ng granular lockdown sa NCR nasa kamay na ng mga metro manila mayors – IATF
Ipinauubaya na ng Inter Agency Task Force o IATF sa mga Mayors sa Metro Manila ang pagpapatupad ng granular lockdown sa National Capital Region o NCR na nasa ilalim ng alert level 4 dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na alam na ng mga Metro Manila Mayors ang gagawin sa pagpapatupad ng granular lockdown sa kanilang nasasakupan batay sa guidelines ng IATF mula September 16 hanggang September 30.
Ayon kay Roque tutulungan ng national government sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development o DSWD ang mga local government units o LGU’s sa Metro Manila sa pagbibigay ng ayudang pagkain at personal na pangangailangan ng mga residenteng isasailalim sa granular lockdown.
Inihayag ni Roque sa bagong patakaran na granular lockdown ay wala ng matatanggap na cash assistance ang publiko.
Niliwanag ni Roque tatagal ng 14 na araw ang granular lockdown sa isang lugar upang matiyak na hindi na lalaganap ang COVID 19.
Vic Somintac