Pagpapatupad ng marine protection at fishery laws sa Romblon, mas paiigtingin

Nagtalaga ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Mimaropa ng mga tauhan sa Romblon kasunod ng binuong quick response team na magsasagawa ng pagpapatrolya at pagbabantay sa karagatang sakop ng lalawigan laban sa illegal fishing.

Ayon kay Lusitio Manes, officer-in-charge, Provincial fishery officer ng BFAR Romblon, binuo nila ang Provincial Law Enforcement Coordination Committee upang aksyunan ang dumaraming kaso ng pang-aabuso sa yamang dagat ng lalawigan.

Pangunahing layunin nito na mapigilan ang mga iligal na aktibidad tulad ng trawl fishing , muro-ami, pamumutol ng mga bakawan,pagdi-dinamita, pagko-compressor at iba pang uri ng mapanirang paraan ng pangingisda na siyang sanhi ng over fishing o pagkaubos at pagkasira ng mga tirahan ng mga nangingitlog na isda.

Aniya, may mga mangingisda pa rin sa ilang munisipyo ng Romblon ang patuloy na gumagamit ng dimanita, cyanide, compressor at iba pang iligal na pamamaraan na naging sanhi ng halos wala nang mahuling isda ang maliliit na mangingisda na umaasa dito.

Isusulong din ng BFAR katuwang ang PNP Maritime Police at Bantay Dagat ang pagpapatupad ng Sea Patrol Operations upang mapaigting ang kampanya kontra sa mga bumabalewala at lumalabag sa ordinansang ipinapatupad ng bawat munisipyo sa kanilang katubigan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *