Pagpapatupad ng Martial law sa labas ng Mindanao hindi kailangan – ayon sa Malakanyang
Walang nakikita ang Malakanyang na pangangailangang palawigin ang Martial Law sa labas ng Mindanao region.
Sinabi ni Presidential sypokesman Salvador Panelo wala namang indikasyon ng spill over kasunod ng nangyaring pambobomba sa Mt. Carmel cathedral sa Jolo, Sulu.
Paliwanag ni Panelo na malaking tulong ang ipinaiiral ngayong total lockdown sa Jolo Sulu na una ng ipinag-utos ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Panawagan ni Panelo sa publiko gawin lang ang kanilang normal na aktibidad gayung nakahanda ang buong puwersa ng pamahalaan para matiyak ang seguridad ng mamamayan.
Inihayag ni Panelo na ligtas ang buong bansa at nakahanda ang pamahalaan sa anomang mangyayari at pigilan ang anomang uri pa ng pagtatangka ng mga terorista.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag dahil sa mga kumakalat na fake news sa Social Media na ang mga malls sa Metro Manila ang susunod na target ng mga terorista.
Ulat ni Vic Somintac