Pagpapatupad ng National Id System, malaking tulong sa paglaban ng pamahalaan sa terorismo ayon kay dating Sen. Biazon
Malaking tulong ang pagpapatupad ng National ID System sa paglaban ng pamahalaan sa terorismo.
Sa panayam ng Radyo Agila sinabi ni dating Senador Rodolfo Biazon , sa pamamagitan ng National Id ay magiging madali ang pagtukoy sa mga hindi pamilyar na tao na papasok sa isang komunidad.
Bukod dito magagamit din ang National Id System sa mga personal transaction .
“Halimbawa nagkaroon tayo ng problema sa Maute family eh kung sila ay nagkaroon ng national id identification at nangangailangan silang bumiyahe ay hindi na maguguluhan ang gobyerno . Dahil ang lumalabas na mga identification ngayon galing sa asosasyon , galing sa club at iba pa , at ang impormasyon na pumasok sa mga card na yan ay hindi nachicheck ng gobyerno kaya nga hindi tinatanggap sa kahit anong transaction”. – Biazon
Dagdag pa ni Biazon kailangan lamang na maging malinaw ang nilalaman ng National Id System upang maalis ang agam agam ng publiko na magkakaroon ng paglabag sa kanilang privacy ang pagpapatupad ng naturang panukalang batas.
Ulat ni: Marinell Ochoa