Pagpapatupad ng travel restriction sa mga bata, pag-aaralan ng Metro Mayors
Pagpupulungan pa ng Metro Mayors kung kailangang magpatupad ng travel restriction sa mga bata na hindi pa nababakunahan kontra Covid-19.
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año ito’y kasunod sa napaulat na 2-anyos na batang lalaki na nagpositibo umano sa virus infection matapos mamasyal sa isang mall.
Bagaman may kapangyarihan aniya ang mga local government unit na magpatupad ng restriction, kokonsultahin din aniya nila ang Pediatric experts.
Sinabi pa ng kalihim na inimmbestigahan na nila ang ulat tungkol sa batang nagpositibo sa virus kaya masyado pang maaga para magbigay ng conclusion.
Nauna nang sinabi ng Department of Health na ang kaso ng nagpositibong bata ay hindi makaaapekto sa Alert level system na ipinatutupad sa Metro Manila.