Pagpapauwi sa mga OFWs sa Kuwait, boluntaryo at hindi sapilitan-Malakanyang

Hindi puwersahan ang pagpapauwi sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs sa Kuwait.

Ito ang ginawang paglilinaw ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pauuwiin na ang mga OFWs sa Kuwait.

Sinabi ni Roque na ang mga boluntaryong uuwi sa Pilipinas ay gagastusan ng pamahalaan at hahanapan ng trabaho sa Pilipinas.

Ayon kay Roque sa ngayon magpapatuloy na iiral ang total deployment ban sa mga OFWS sa Kuwait kasama dito ang mga skilled at home service workers na mga Pinoy.

Inihayag ni Roque na hangga’t walang nalalagdaan na Memorandum of Understanding o MOU sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait hindi aalisin ng Malakanyang ang deployment ban.

Lumala ang gusot sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait matapos magsagawa ng rescue operations ang mga Embassy officials at personnel sa mga Distressed OFWS na humantong sa paghahain ng Kuwait ng diplomatic protest ang pagdedeklara ng persona non grata sa Ambassador ng Pilipinas sa Kuwait.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *