Pagpapauwi sa mga Pinoy sa Afghanistan, pinamamadali
Pinabibilisan ni Senador Francis Tolentino sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang repatriation sa mga Pinoy na naiipit ngayon sa karahasan sa Afghanistan.
Kasunod ito nang nangyayaring bakbakan matapos muling makubkob ng Taliban Group ang Afghanistan kung saan na take-over na ang ang Presidential Palace at ang buong kapitolyo nito sa Kabul.
Ayon kay Tolentino, kailangang matiyak na ligtas ang mga mangagawang Pinoy doon at hindi madadamay sa bakbakan.
Kailangan rin aniyang kumbinsihin ng gobyerno ang lahat ng Pinoy na lumikas para sa kanilang kaligtasan lalu’t itinaas na sa Alert Level 4 ang status ng seguridad doon.
Batay aniya sa ulat ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad, Pakistan, tinatayang nasa 200 mga Pinoy pa ang nasa Afghanistan na karamihan ay nagtatrabaho bilang mga hotel manager, propesor, accountant, company manager, at inhinyero pero 75 lamang sa mga ito ang pumayag sa repatriation.
Statement Senador Tolentino:
“As the humanitarian, political, and security crisis in Afghanistan continues to worsen, the need to immediately repatriate the remaining Filipinos in Afghanistan becomes even more urgent as each day passes”.
Meanne Corvera