Pagpasok sa entry point ng Zamboanga del Norte, lalong hinigpitan
Nagkaroon ng amyenda sa nauna nang inilabas na Executive Order (EO) No. 21-68 series of 2021, sa section 3.1, item 1 na nagkabisa noong Agosto 27, 2021.
Sa bagong EO, nakasaad na lahat ng mga empleyadong may kinalaman sa delivery of goods, cargoes, trucking, at courier services na galing o papuntang Cebu City, Dumaguete City, at iba pang mga lugar ay kailangang mag-prisinta ng negative RT-PCR/Antigen test result upang makapasok sa Zamboanga del Norte.
Samantala, naglabas ng update ang Task Force Covid-19 ng lalawigan, kung saan may naragdag na 20 bagong kaso ng virus.
Lima rito ay mula sa bayan ng Rizal, apat mula sa Salug, tatlo sa Dapitan, tig-2 sa Jose Dalman, Leon Postigo at Dipolog City, at tig-isa sa Sindangan at Mutia.
Ang mga ito ay naka-isolate na at patuloy ang contract tracing sa posibleng mga nakasalamuha nila.
Sa kabuuan ay umaabot na sa 5,485 ang kaso ng Covid-19 sa lalawigan, 5,113 ang gumaling, 172 ang active cases, 87 ang suspected cases, 2 ang probable cases at 200 naman ang nasawi.
Jenie Joy Prieto