Pagpipigil ng pag ihi, maaaring maging sanhi ng UTIayon sa mga eksperto
Maaaring dapuan ng Urinary Tract Infection ang isang taong nahihirapang umihi at nakararanas ng hip pain.
Ayon sa mga eksperto, ang UTI ay isang impeksyon na matatagpuan sa urinary tract tulad ng kidneys, urinary bladder, o urethra na dulot ng mga mikrobyo tulad ng e-coli.
Karaniwan ang sakit na ito sa mga babae, kaysa sa mga lalaki.
Mas maikli din ang urinary tract ng mga babae kaysa sa mga lalaki kung kaya mas madali itong kapitan ng mikrobyo.
Kapag paulit ulit o kaya ay pabalik balik ang UTI, maaari itong humantong sa pagkakaroon ng kidney stone.
Kabilang sa sintomas ng UTI ay hirap sa pag ihi at napaka kaunti kapag naihi.
Payo ng mga ekperto, komunsulta sa doktor kapag naranasan ang hirap sa pag ihi para hindi na ito humantong sa malalang kundisyon.
Ulat ni: Anabelle Surara