Pagpopondo ng gobyerno sa Free Tertiary Education Act, inirekomendang gawing staggard

Inirekomenda ni Senador Sherwin Gatchalian na gawing staggard o pa unti unti ang pagpopondo sa Free Tertiary Education Act o libreng matrikula sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.

Itoy kung hindi kakayanin ng gobyerno na agad pondohan ang 100 billion pesos na tinatayang magagastos para sa pag aaral ng mahigit 5.6 milyong mga estudyante sa mga SUCs.

Ayon kay Gatchalian, ngayong taon, maaring gamitin ang savings ng mga ahensya ng gobyerno.

Maari rin aniyang maglaan ng 25 billion pesos taon taon hanggang sa 2019.

Sa rekomendasyon ni Gatchalian, maaring ngayong taon ang matrikula muna ang isa subsidize ng gobyerno, sa 2018 ay isasama na ang miscellaneous at sa 2019 ay idadagdag naman ang student loan.

Sa ilalim ng nilagdaang batas, hindi lang matrikula sa lahat ng SUCs at Local Universites at Colleges ang sasagutin ng gobyerno kundi kasama na rin ang miscellaneous fee at student loan para sa mga pinakamahihirap na estudyante.

Sa ganitong paraan, hindi masyadong mabibigatan ang gobyerno at may pondo pang mailalaan sa iba pang proyekto kabilang na ang build build build program ng Duterte administration.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *