Pag-railroad sa 2021 Proposed Nat’l Budget ni House Spkr Cayetano, pambabastos sa Kamara- Cong. Velasco
Lantaran umanong binastos ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang Kamara bilang isang institusyon na sinumpaan pa man din nitong protektahan at i-respeto.
Ito ang iginiit ni Marinduque Cong. Lord Allan Velasco kasunod ng aniya ay pagrail road ni Cayetano sa pagpasa sa 2021 proposed national budget at kwestyonableng suspensyon ng sesyon ng Kamara hanggang Nobyembre 16.
Ayon kay Velasco bilang lider ng ruling party na PDP-Laban na kumakatawan sa pinakamalaking bloc ng Super Majority Coalition sa Kongreso,
Mariin nilang binabatikos ang ginawa ni Cayetano at mga kaalyado nito.
Giit ni Velasco dapat mapanagot sina Cayetano sa pag railroad sa budget ng hindi nabusisi ang pondo ng ilang mahahalagang ahensya ng pamahalaan matapos iterminate ang budget deliberation.
Ang ginawa aniya ni Cayetano na pagrail road na ito ay taliwas sa commitment ni Cayetano sa isang bukas, transparent na national spending package na magiging kapaki pakinabang sa publiko.
Labag rin aniya sa mga probisyon ng Constitution on the inter-parliamentary courtesy ang ginawang suspensyon ni Cayetano ng sesyon hanggang Nobyembre.
Paliwanag ni Velasco ang Kongreso ay binubuo ng 2 chamber kaya ang pagsuspinde nito ng matagal na panahon ay dapat na may pahintulot ng senado.
Batay kasi aniya sa aprubadong Calendar of Congress nakasaad na ang suspension ng sesyon ay dapat na sa October 17, 2020.
Naniniwala si Velasco na ang ginawang ito ni Cayetano ay dahil sa kabiguang makuha ang buong suporta ng Pangulong Duterte at maiwasan ang maayos na transition ng House Speakership para sa term-sharing agreement.
Madz Moratillo