Pagrebyu sa iba pang drug death cases, tatalakayin ng DOJ sa pulong nito sa liderato ng PNP
Target ng DOJ na makipagpulong ngayong linggo sa liderato ng PNP ukol sa ginawang pagrebyu ng kagawaran sa 52 anti-illegal drugs operations ng pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, hinihintay na lamang niya ang kumpirmasyon ng pulong mula kay PNP Chief Guillermo Eleazar.
Sinabi ng kalihim na bukod sa pagtalakay sa resulta ng rebyu ng DOJ sa 52 drug case records ay pag-uusapan din sa pulong nito sa PNP ang pagrebyu sa iba pang drug death cases
Gayundin, ang imbestigasyon sa iba pang katulad na kaso sa hinaharap.
Una nang isinumite ng DOJ kay Pangulong Rodrigo Duterte ang rebyu nito sa drug case records ng PNP kung saan namatay ang mga suspek.
Pumirma ng kasunduan ang PNP at DOJ para masilip ng kagawaran ang case records ng pulisya sa drug operations.
Moira Encina