Pagrepaso sa mga kontrata ng gobyerno dapat nakafocus sa concession agreement sa tubig at kuryente- ayon sa ilang mga Senador
Suportado ng ilang Senador ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na iparepaso ang lahat ng kontratang pinasok ng gobyerno kabilang na sa bansang China.
Gayunman iginiit ni Senador JV Ejercito na dapat maging transparent ang gagawing pagrepaso para matiyak na wala itong magiging epekto sa mga investments.
Dapat rin aniyang naka focus sa mga concessionaire agreements sa tubig at kuryente dahil ito ang may direktang impact sa mga consumers.
Pero ayon kay Senador Francis Pangilinan hihintayin muna nila ang resulta ng utos ng Pangulo.
Dedepende aniya dito ang magiging expose ng oposisyon sa mga loan agreements na pinasok ng gobyerno na taliwas sa mga umiiral na batas at national interests.
Ulat ni Meanne Corvera