Pagresolba sa dengue epidemic sa bansa, ipinauubaya ng Malakanyang sa DOH
Tiwala ang Malakanyang na mahahanapan ng solusyon ng Department of Health o DOH ang problema sa Dengue sa buong bansa.
Sa briefing sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ginagawa ng DOH ang kanilang trabaho para mabigyan ng lunas ang mga tinamaan ng Dengue.
Ayon kay Panelo may sapat na pondo ang DOH upang harapin ang problema ng Dengue.
Ginawa ng Malakanyang ang pahayag matapos magdeklara ang DOH ng Dengue epidemic sa buong bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng Dengue.
Batay sa datus ng DOH pumalo na sa mahigit 146 thousand ang nagka-dengue at mayroon ng 622 ang naiulat na namatay mula noong Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.
Ulat ni Vic Somintac