Pagsalakay ng mga bodega ng mga rice hoarders, ipinag-utos na ni Pangulong Duterte sa DILG at PNP

Naglabas na ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año at sa Philippine National Police o PNP para salakayin at buksan na ang mga bodega ng mga rice hoarders sa bansa..

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ginawa ng Pangulo ang direktiba sa isang mini cabinet meeting sa loob ng Presidential plane patungong Israel.

Ayon kay Roque ginagawang isyu ng mga kalaban ng administrasyon ang mahal na presyo ng bigas at pinalulutang na may kakulangan ng supply.

Inihayag ni Roque na walang rice supply shortage dahil sapat ang supply ng bigas.

Iginiit ni Roque na pinalalabas ng mga kalaban ng administrasyon na may kakulangan sa supply dahil pinipigil ito ng mga tiwaling negosyante.

Binigyang diin ni Roque na kinakailangan ng mabigyan ng sample ang mga rice hoarders upang maresolba na ang problema sa presyo ng bigas.

Sec. Harry Roque:

“Binanggit po ni Presidente kanina sa DILG sa mini cabinet meeting sa Presidential plane papuntang Israel na talagang simulan na iyong pagbubukas sa mga warehouse. Alam naman ng Presidente kung sino iyong mga hoarders na iyan.   Hindi lang kay Secretary Año; sa PNP na po. Sa airport pa lang po ay mayroon ng sinabi sa ating mga kapulisan na kinakailangan talagang buksan iyong mga warehouse na iyan. Mag-sample na tayo nang mapakita natin na talagang seryoso ang gobyerno na labanan itong hoarding ng bigas.”.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *