Pagsamsam sa mga ari-arian nina dating DPWH secretary Singson at iba pang dawit sa Road-right-of-way scam
Inirekomenda ng National Bureau of Investigation o NBI sa Office of the Ombudsman na ipasamsam ang mga ari-arian nina dating Public works and highways secretary Rogelio Singson at mahigit 30 iba pa na inireklamo kaugnay sa Road right-of-way scam.
Ayon sa reklamong isinampa ng NBI, hiwala na isusulong ang forfeiture case mula sa reklamong pandarambong laban kina Singson alinsunod sa RA 1379.
Ang forfeiture proceedings ay para masamsam ng Estado ang mag pag-aari ng mga respondents na kanilang nabili o nakuha gamit ang nakaw na yaman o ill-gotten wealth.
Sa ilalim ng nasabing batas, kailangang tukuyin ng hukuman sa forfeiture case kung ang ari-arian ng respondent ay hindi tugma sa kaniyang lehitimong pinagkukunan ng ikabubuhay.
Bukod sa plunder, ipinagharap ang dating kalihim ng kasong Graft at Grave misconduct and Dishonesty.
Kumbinsido ang NBI na nagsabwatan sina Singson at ang iba pang respondents para magkamal ng ill-gotten wealth mula sa mga pekeng claim sa right-of-way sa General Santos city.
Ulat ni Moira Encina