Pagsasailalim ng PhilHealth sa OP ikinonsulta ng DOH sa DOJ at OSG
Nakipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Solicitor General (OSG), kaugnay ng panukalang magsasa-ilalim sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa Office of the President (OP).
Bukod sa mga nasabing tanggapan ng gobyerno, hiningi rin umano ng DOH ang opinyon ng Office of the Government Corporate Counsel at Governance Commission for GOCCs (OGCC) hinggil dito.
Paliwanag ng DOH, kailangan malinawan ang mga isyu ng legalidad sa paglipat ng PhilHealth dahil ayon sa batas ito ay attached agency ng kagawaran.
Una rito, bumuo ng Technical Working Group (TWG) ang DOH kung saan kabilang rin ang ilang kinatawan mula sa PhilHealth para talakayin ang isyu.
Bukod sa isyu ng legalidad, pag-aaralan rin umano ng TWG kung maka-aapekto ito sa Universal Healthcare Program.
Kaya kasama rin umano sa hihingan ng opinyon ng DOH ang nasa academe at international health partners.
Una rito, nilinaw ni DOH OIC Ma Rosario Vergeire na nananatiling proposal ang nasabing panukala at pag-aaralan muna itong mabuti.
Madelyn Moratillo