Pagsasamantala ng mga tiwaling negosyante sa mga biktima ng bagyong odette pinatutukan ng Malakanyang sa DTI at LGU’s
Inatasan ng Malakanyang ang Department of Trade and Industry o DTI at mga Local Government Units o LGUS na imonitor ang umanoy pananamantala ng mga tiwaling negosynte sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Karlo Alexi Nograles na nasa ilalim na ng state of calamity ang mga lugar na pininsala ng kalamidad kaya maaaring magpatupad ng price freeze sa mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Nograles mapatawan ng kaukulang parusa ang mga negosyanteng magsasamanla sa presyo ng mga prime commodities.
Inihayag ni Nograles na hindi ito ang panahon para lalo pang pansamantalahan ang mga biktima ng kalamidad.
Nanawagan ang Malakanyang sa lahat na pairalin ang pagtutulungan at panatilihing buhay ang bayanihan.
Vic Somintac