Pagsasampa ng kaso laban sa mga grupo at personalidad na nasa likod ng Bikoy video, ipinauubaya ng Malakanyang sa DOJ
Bahala na ang Department of Justice o DOJ na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga grupo at personalidad na nasa likod ng Bikoy video.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na malinaw sa impormasyon na natanggap mismo ng Office of the President mayroong grand conspiracy na siraan ang Pangulo para bumagsak sa puwesto at palakasin ang kandidatura ng Otso Diretso ng oposisyon.
Ayon kay Panelo alam ng DOJ ang dapat gawin para mapanagot ang sinuman na lumalaban sa gobyerno.
Niliwanag ni Panelo ang pagbubulgar na ginawa ng Malalanyang sa mga grupo at personalidad na gumagawa ng black propaganda laban sa administrasyon ay hindi nangangahulugan ng crackdown sa oposisyon.
Ulat ni Vic Somintac