Pagsasampa ng Ombudsman ng kaso laban kay dating DOTC Secretary Jun Abaya at 16 na iba pa, welcome sa Malakanyang

Ikinatuwa ng Malakanyang  ang hakbang ng Office of the Ombudsman ma sampahan ng kasong graft si dating Transportation secretary Jun Abaya kasama ang 16 na iba pang dating opisyal ng Department of Transportation and Communications o DOTC kaugnay ng anomalya sa MRT- 3.

Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na panahon na para panagutin ang mga mandarambong sa pondo ng MRT na nagbibigay pahirap sa mga mananakay.

Ayon kay Roque  matagal na ang kalbaryo ng mga mananakay ng MRT dahil sa naging kapabayaan ng DOTC sa ilalim ng pamumuno ni dating Secretary Abaya.

Ang kaso ni Abaya kasama ang mga dating opisyal ng DOTC ay nag-ugat sa maanumalyang 4.2 bilyong pisong MRT maintenance contract sa Busan Universal Rail Incoporated o BURI.

Magugunitang sa panahon ni dating Secretary Abaya nagkaroon ng maraming aberya ang MRT na nagdulot ng perwisyo sa mga commuters.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *