Pagsasampa ng Ombudsman ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, welcome sa Malakanyang
Itinururing ng Malakanyang na welcome development ang pagsasampa ng Ombudsman ng kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na desisyon ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong Usurpation of Legislative power laban kay Aquino.
Ayon kay Roque bagamat ang kasong Usurpation of legislative power ay magaan na kaso dahil mayroon lamang itong kaakibat na anim na buwang parusang pagkakakulong kaya walang magagawa ang ehekutibo kundi igalang ang desisyon ng Ombudsman.
Inihayag ni Roque dapat sana ay mas mabigat na kasong kriminal ang isinampa ng Ombudsman laban kay Aquino dahil ang nasasangkot ay 72 bilyong pisong pondo ng Disbursement Acceleration Program o DAP na idineklarang unconditional ng Korte Suprema.
Ulat ni Vic Somintac