Pagsasapribado ng NAIA, pinaplano na ng gobyerno
Sisimulan na ng gobyerno ang pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay transportation Secretary Jaime Bautista, nakikipagdayalogo na ang gobyerno sa Asian Development Bank at Public Private Parnership Center para isapinal ang terms of reference para sa privatization.
Long overdue na raw ang pagsasapribado ng NAIA na naantala dahil sa pandemya.
Nauna nang lumutang ang isyu ng pagsasapribado ng NAIA matapos ang nagyaring pagshutdown ng airspace ng bansa nitong bagong taon.
Ang pagpasapribado ng NAIA ang isa sa nakikitang solusyon para makapagbigay umano ng World class gateway experience na hindi kakayanin ng gobyerno dahil sa kakapusan ng pondo.
Meanne Corvera