Pagsasapubliko ng Narcolists, binatikos ng mga Senador
Umani ng batikos sa mga Senador ang hirit ng Dangerous Drugs Board (DDB) na isapubliko ang pangalan ng mga tinaguriang Narco-Politicians.
Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, sa halip na kasuhan, dapat sampahan ng Administrative at Criminal charges ang mga tinaguriang Narco-Politicians para arestuhin at ikulong.
Iginiit ni Gatchalian na unfair na ilabas ang pangalan ng mga pulitikong hinihinalang sangkot sa operasyon ng droga kung wala namang matibay na ebidensya laban sa kanila.
Senador Gatchalian:
“Instead of releasing the narcolist to dissuade voters from electing suspected narco politicians, the Dangerous Drugs Board should file criminal and administrative cases against the politicians on the narcolist. If there is solid evidence to pin down these narco-politicians, then the DDB should by all means file cases against them. Narcopols are unfit for public office and should be thrown in jail”.
Bukod sa panganib sa kanilang buhay, isa itong paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Pangamba naman ni Senate President Vicente Sotto III, magagamit ang Narcolist sa pang-aabuso lalo na sa paninira sa mga kandidato.
Senate Pres. Sotto:
“Baka gamitin nung iba naman. There is the other perspective na baka gagamitin yung paninira sa kapwa, by saying na ganito yan, involved yan, ito nasa listahan. What if the list is not validated? That’s the problem”.
Ulat ni Meanne Corvera