Pagsibak kay DILG Sec. Sueno sinadya umano ng Malacanang para maipasok ang appointee ng Pangulo
Naniniwala si Senador Antonio Trillanes na political convenience lang ang ginawang pagtatalaga ng Pangulo kay DILG Secretary Mike Sueno.
Ito ang dahilan kaya sinibak ito sa pwesto kahit pa walang katibayan sa alegasyon ng korapsyon laban dito.
Naniniwala si Trillanes na may gustong i appoint sa pwesto ang Pangulo pagkatapos ng appointment ban sa Mayo at hindi nito maaring ikatwiran ang loss of confidence.
Kung totoo ang alegasyon laban kay Sueno dapat maglabas ito ng detalye ng mga kinasasangkutang katiwalian para hindi pamarisan ng iba pang cabinet at government officials.
Tumanggi naman si Trillanes na magkomento kina Senador Alan Cayetano at dating Senador Bongbong Marcos na maugong at sinasabing papalit kay Sueno sa DILG.
Ulat ni: Mean Corvera