Pagsira sa 4M piraso na depektibong balota noong BSKE, aabutin ng isang buwan
Halos isang buwan matapos ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) noong Oktubre 30 ay sinimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ngayong Martes ang pagsira sa mahigit na apat na milyong piraso ng rejected, sobra at depektibong balota at dokumento sa nakaraang halalan.
Sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City kung saan inimprenta ang mga balota at mga dokumento isinasagawa ang pagwasak sa mga ito.
Sinabi ni Comelec Printing Committee Director-in-Charge Helen Aguila- Flores na sinisira ang mga nasabing balota para matiyak na hindi magagamit ang mga ito sa mga iligal na layunin.
“We dont want that to happen because official ballots to comelec they are sacred we treat them as documents these are the repositories of the peoples votes so sagrado po ang official ballots sa comelec.” ani Flores.
Ayon sa Comelec, maaaring abutin ng tatlong linggo hanggang isang buwan ang manu- manong pagpunit sa nasa apat na milyong piraso ng mga balota.
Kabilang sa mga pinunit na balota ay ang mga depektibong opisyal na Barangay at SK ballots bunsod ng machine o printer error na nasa 1.37 milyong piraso.
Gayundin, ang mga balota mula sa mga barangay na dating parte ng Makati City na kalaunan ay idineklarang bahagi na ng Taguig City na nasa 200,000 piraso.
Kasama rin sa mga winasak ay ang nasa 80,000 depektibong accountable forms.
Excess/ Defective Official Ballots & Accountable Forms: 4,075,529 pcs.
Defective Official Ballots : 1,371,179 pcs.
Brgy & Sk Ballots That Were Printed & Label In Makati City : 275,953 pcs.
Defective Accountable Forms : 84, 905 pcs.
Pahayag pa ng Comelec official “ nangyayari po talaga sa printing process na may ganyan, may reprints gaya nung unforeseen eventuality like a municipality being converted into a city in tne process.”
Sa oras na matapos ang pagwasak sa mga balota ay ibibigay naman ito sa disposal committee ng Comelec na silang magsasagawa ng shredding sa mga dokumento.
Bago pinunit ang mga balota ay binura rin mula sa computer ng NPO ng mga tauhan ng IT Department ng Comelec ang soft copies ng ballot faces ng mga depektibo at sobrang balota.
Hindi isinasantabi ng poll body ang posibilidad na manakaw ang mga balota at gamitin bilang ebidensya sa mga nakabinbin na electoral protests sa barangay at SK polls kaya mahalaga na masira ang mga hindi nagamit na balota.
Dagdag pa ni Flores “That’s really possible. That’s a possibility”
Moira Encina