Pagsisimula ng La Niña sa bansa, idineklara na ng PAGASA; Amihan, papasok na rin
Opisyal nang idineklara ng PAGASA ang onset ng La Niña sa bansa.
Ayon kay PAGASA Deputy Administrator Esperanza Cayanan, malalakas na pag-ulan o higit pa sa normal na buhos ng ulan ang mararanasan sa mga ganitong panahon.
Posibleng tumagal ang ganitong panahon hanggang sa unang bahagi ng 2022.
Maliban sa La Niña, idineklara rin ng PAGASA ang pagtatapos ng Southwest Monsoon o Habagat.
Nasa transition period na aniya ang bansa sa Northeast Monsoon o Amihan o yung malamig na hangin na karaniwang nararanasan tuwing huling quarter ng taon.
Samantala, ngayong araw, batay sa forecast ng weather bureau, ang maulap na papawirin at mga pag-ulan na nararanasan sa ilang bahagi ng bansa ay sanhi ng Inter-Tropical Convergence Zone (ITCZ).
Apektado ng ITCZ ang Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, Cagayan Valley, Eastern Visayas, Aurora, Mindoro provinces, Marinduque at Romblon.
Pinag-iingat ang mga nasabing lugar sa posibleng landslides at flash floods.