Pagsisimula ng School Year 2021-2022, opisyal nang idineklara ngayong araw
Opisyal nang sinimulan ngayong Lunes, September 13, 2021 ang klase para sa School Year 2021-2022
Ang deklarasyon ay ginawa ni Education Secretary Leonor Briones sa kaniyang mensahe online sa ginanap na DepEd National School Opening Day Program.
Ito na ang ikalawang pagbubukas ng klaseng isinagawa sa gitna ng Pandemya ng Covid-19.
Sinabi ng kalihim na nasa 93.9 percent o katumbas ng higit 24.6 million ng mga estudyante ang naka-enroll ngayong school year.
Umaasa si DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na mahihigitan pa ang dami ng enrollees ngayong pasukan kumpara noong nakalipas na school year.
Patunay aniya ito na nagsibalikan ngayong school year ang mga estudyanteng hindi nakapag-enroll noong nakalipas na academic year.
Sa datos ng Deped, pinakamarami sa mga enrollees ay mula sa CALABARZON na may 3,226,044.
Sinundan ito ng Central Luzon na may 2,442,313; at National Capital Region na may 2,238,668.