Pagsuko ng Recruiter ni Demafelis, ikinatuwa ng Palasyo

Umaasa ang Malacañang na magkakaroon na ng linaw ang kaso ni Joanna Demafelis ang Overseas Filipino Worker na natagpuang patay at nakasilid sa freezer ng tahanan ng kanyang mga amo sa Kuwait.

Sa harap ito ng pagsuko ni Agnes Tuballes recruiter ni Demafelis sa Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group o PNP-CIDG.

Sinabi  ni Presidential Spokesman Harry Roque na welcome development ang pagsuko ng recruiter ni Demafelis dahil kung nagtago ito ay tiyak na hahantingin ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation o NBI.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ang nag-utos sa NBI na hanapin ang recruiter ni Demafelis para makuha ang panig nito hinggil sa naging status ng biktimang OFW.

Inihayag ni Roque na maraming dapat na itanong kay Tuballes at kung paano napunta si Demafelis sa malupit nitong employer.

Niliwanag ni Roque na gusto ng Pangulo na kabigyan ng katarungan ang masaklap na sinapit ni Demafelis sa bansang Kuwait.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *