Pagsuspinde sa Excise tax, hindi solusyon para mapababa ang Inflation rate – DOF

Hindi pa rin makakabawas sa mataas na inflation rate ang pagsuspinde sa implementasyon ng Excise tax.

Ayon kay Finance Assistant secretary Tony Lambino, maliit lamang ang kontribusyon ng oil excise sa inflation rate.

Paliwanag ni Lambino, kahit mawala ang Train law ay papalo pa rin sa 6 percent ang inflation rate ng bansa.

Dapat pag-aralan aniya ng mabuti kung ano ang pinagmumulan ng pagtaas ng mga presyuhan gaya ng presyo ng mga food supplies.

Sinabi naman ng Finance official na sakaling umabot na sa 80 dollars per barrel ang threshold sa loob ng tatlong buwan ay maaari itong suspendihin dahil may suspension mechanism na nakasaad sa Train law.

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *