Pagsusulong ng Healthy lifestyle sa bansa, lalu pang pinaigting ng PHA ….Samantala, 49th PHA Convention and Scientific meeting, isinagawa

 

 

Libu-libong mga Cardiologist na may ibat’t-ibang specialization na may kaugnayan sa mga uri ng sakit sa puso ang dumalo at nakibahagi sa talakayan sa isinagawang , 49th PHA convention and scientific meeting.

Sinimulan ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng tatlong lay advocacy programs ng pha na kinabibilangan ng Sneakers friday, Fitfil2 at Public Automated external defibrillator .

Ayon sa PHA, nananatili pa ring nangungunang sanhi ng pagkamatay ng Filipino ang sakit sa puso at ito ay batay rin sa datos mula sa Department of Health.

Samantala, sa paglulunsad naman ng programang tinawag na “comfy sneakers”, sinabi ni Dra. Karen Caudor, isang Cardiologist na dalubhasa sa Cardio-Rehabilitation na hinihikayat ng PHA ang lahat ng mga Cardiologist sa bansa na magsuot ng sneakers tuwing Biyernes.

Layunin aniya nito na makagalaw ng maginhawa … mabilis at walang mararamdamang sakit ng mga paa.

Dra. Karen Caudor, Cardiologist- PHA, Cebu chapter

“Wearing sneakers means physical activity, physical activity will translate to a heathier part…yun lang ang parang layman lang na explanation, if you move more, your heart will be better, healthier” binigyang diin pa ni dra. cuador na nais din nilang ipakita sa kanilang mga pasyente ang kagandahan na may physical activities tulad ng paglalakad upang mapanatili ang healthy lifestyle. This time we want to focus on the each na risk so for the first risk that we are trying to support is the activity …the physical in activity…we want to abolish that one na inactive yung mga tao, so we want to start with us , the doctors na among us…we are not inactive din…so that’s why we have this sneakers friday”.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *