Pagsusuot ng face mask kapag nasa labas, compulsory na sa isang estado sa US
LOS ANGELES, United States (AFP) – Inanunsyo ng gobernador ng Oregon na kailangang magsuot ng face mask kapag nasa labas.
Ang kautusan ay magkakabisa sa darating na Biyernes.
Ayon kay Governor Kate Brown . . . “The Delta variant is spreading fast and wide, throwing our state into a level of crisis we have not yet seen in the pandemic. Cases and hospituzations are at a record high.”
Sa isang pag-aaral noong 2019, lumitaw na ang Oregon ay kabilang sa may pinakamababang hospital beds per capita sa US.
Ayon pa kay Brown . . . “Masks have proven to be effective at bringing case counts down, and are a necessary measure right now, even in some outdoor settings, to help fight Covid and protect one another.”
Batay sa panuntunan, lahat, bakunado man o hindi ay dapat na magsuot ng mask saan mang pampublikong lugar.
Nakararanas ngayon ang US ng malaking pagtaas sa Covid-19 infections, dulot ng mas nakahahawang Delta variant.
Sa kabila ng pagiging mabisa, ang masks at bakuna ay kontrobersiyal sa Estados Unidos, kung saan ang pagtutol dito ay bunga ng pulitika, kawalan ng tiwala sa gobyerno at hindi pagkagusto sa siyensiya.
Umaasa ang health professionals na ang full regulatory approval na ibinigay sa Pfizer noong Lunes, ay makatutulong para mawala na ang mga paghihinala na ang bakuna ay hindi ligtas.
Agence France-Presse