Pagsusuot ng medyas sa pagtulog, may benepisyong dulot sa kalusugan

Nasubukan na ba ninyong magsuot ng medyas sa pagtulog?

Ayon sa mga pag aaral, may malaking benepisyong dulot sa kalusugan ang pagsusuot ng medyas  sa pagtulog.

Ilan dito ay…makatutulong na makatulog ng mas mahimbing at mabilis lalong lalo na sa panig ng mga may insomina.

Ito ay dahil na re-regulate umano ang body temperature na bumababa pagsapit ng gabi.

Bukod dito, kapag may suot na medyos, nababawasan din daw ang nararanasang ginaw lalo na sa mga taong ginawin o lamigin.

Para naman sa mga nakakaranas ng hot flushes o yung mga babaeng nasa kanilang menopausal stage, makakatulong rin ang pagsusuot ng medyas sa gabi.

Nare-regulate  rin umano ang temperatura ng katawan na nakakahadlang upang maranasan ang hot  flushes na karaniwan para sa mga babaeng nasa menopausal stage na.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *