Pagtaas ng credit ratings ng Pilipinas sa International community ikinatuwa ng Malakanyang
Ipinagmalaki ng Malakanyang ang pagtaas ng credit rating ng Pilipinas.
Ayon sa report mula sa global debt watcher na Standard & Poor’s nakatanggap ang bansa ng BBB+ stable outlook kung saan malapit na sa inaasam na single ‘A’ grade rating.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagtaas ng credit ratings ay nangangahulugan ng pagiging creditworthy ng Pilipinas.
Ayon kay Panelo ito na ang pinakamataas na credit rating upgrade sa economic history ng bansa.
Kinilala ng Malakanyang ang naging trabaho ng mga economic managers ni Pangulong Duterte na nagsulong umano ng economic reform at inaasahang maglalagay sa Pilipinas sa world’s top 25 economy.
Inihayag ni Panelo kabilang sa mga reporma sa ekonmoiya ay ang tax reform, liberalization sa rice sector, pagpapalakas sa charter ng Bangko Sentral ng Pilipinas’, pagpapabilis sa proseso ng negosyo, modernization sa mga imprastraktura sa ilalim ng build build build program.
Ulat ni Vic Somintac