Pagtaas ng inflation rate sa buwan ng Mayo hindi dapat ikaalarma -Malakanyang
Tiniyak ng Malakanyang na walang dapat ikabahala sa naitalang bahagyang pagtaas ng inflation rate noong buwan ng Mayo.
Ito ang naging reaksiyon ng Malakanyang kasunod ng 3.2 % inflation rate na naitala ng Philippine Statistics Authority mula sa 3.0 % inflation rate noong Abril.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo pasok pa rin ito sa inaasahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 2.8 % hanggang 3.6 %. Inflation rate sa bansa.
Itinuturong dahilan ng mga economic managers na dahilan ng bahagyang pagsipa ng inflation rate ang pagtaas ng presyo sa mga agricultural products tulad ng gulay, isda, prutas at pagtaas ng housing, tubig at iba pang utilities.
Sinabi ni Panelo na hindi kontrol ng pamahalaan ang high spending sa pagkain at alcoholic beverages pati na ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Nakaapekto rin umano sa food price inflation sa isda at gulay ang nararanasang El Niño Phenomenon.
Umaasa naman ang Malakanyang na magkakaroon ng pagbaba sa inflation rate oras na maradaman na ang full impact ng rice liberalization.
Ulat ni Vic Somintac