Pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa, nakakaalarma

Naalarma ang mga eksperto dahil sa lubhang pagtaas ng kaso ng tigdas sa bansa.

Sa tala ng Department of Health o DOH,  halos tatlong beses ang itinaas ng bilang ng mga dinadapuan ng nasabing sakit.

Bukod dito, ikinalulungkot din ng mga eksperto ang bumababang bilang ng mga nababakunahang bata laban sa tigdas.

Ayon kay Dra. Lulu Bravo, Pediatric disease specialist, simula pa noong 2005 ay zero deaths ang measles sa bansa.

Samantala, muling binigyang-diin ng DOH ang kahalagahan ng bakuna laban sa mga sakit gaya ng tigdas upang hadlangan ang pagkalat at pagkahawa sa nabanggit na sakit.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *