Pagtaas ng presyo ng asukal, pinaiimbestigahan
Pinatitigil na ni Senador Bam Aquino ang mga ahensya ng pamahalaan sa sisihan sa isyu ng pagsirit ng presyo ng asukal.
Ayon sa Senador, dapat imbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang alegasyon hinggil sa manipulasyon na sinasabing dahilan ng pagtaas ng presyo ng wholesale at retail na asukal.
Nakakabahala aniya ang report na tuloy ang pag-aangkat ng suplay at minamanipula ang asukal.
Babala ng Senador, maaaring pumatay ito sa industriya ng asukal na maaaring makaapekto sa kabuhayan ng maraming magsasaka.
Kasabay nito, kinalampag ng Senador ang Department of Trade and Industry (DTI) na paganahin ang Price Coordinating Council para protektahan ang consumers sa hindi makatwirang pagtaas ng presyo ng asukal.
Ulat ni Meanne Corvera