Pagtaas ng presyo ng bilihin bahagyang bumagal
Bahagyang bumagal ang inflation o pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa nitong buwan ng hulyo.
Sa datos ng Philippine Statistic Authority, naitala sa 4.0 percent ang inflation mula sa 4.1 percent noong hunyo ngayong taon.
Dulot ito ng mabagal na pagtaas sa singil sa pamasahe sa tricycle at eroplano kasama na ang mga petroleum products.
Bumagal rin ang pagtaas ng singil sa mga barbershop at singil sa mga hygiene products tulad ng shampoo at mga alak sa labas ng metro manila.
Meanne Corvera
Please follow and like us: