Pagtaas ng singil sa pamasahe ngayong Nobyembre, ipinarerebisa ng DOTR

Ipinarerebisa na ni Transportation secretary Arthur Tugade kung maaari pang bawiin ang inaprubahang dagdag singil sa pamasahe sa mga jeep.

Una nang inianunsyo ng  Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aprubado na ang hiling ng mga transport group na gawing sampung piso ang minimum na pamasahe sa jeep sa Metro Manila, Calabarzon at Central Luzon na ipatutupad simula sa November 3.

Pero ayon kay DOTR Undersecretary Mark De Leon, nirerebisa nila kung kailangan pang ipatupad ang karagdagang pisong singil sa minimun fare.

Ito’y dahil bumaba na sa 76 dollars pero barrel ang presyo ng krudo mula sa dating 82 dollars kung kailan inaprubahan ang fare hike.

Sa ngayon bumabalangkas na aniya ang DOTR ng mga barometro kung kailan dapat magtaas ng singil sa pamasahe.

Sa panukala ng DOTR, automatic na ang pagpapatupad ng fare hike at hindi na hihintayin ng LTFRB na may maghain ng petisyon bago magtaas ng singil.

Ibabatay na lamang daw ito sa presyo ng oil products sa pandaigdigang merkado at kasalukuyang price index.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *