Pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa sa Gobyerno , isinusulong ng isang Senador
Isinusulong ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla ang pagtaas ng suweldo ng mga manggagawa sa Gobyerno.
Sa harap ito ng nangyayaring inflation o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo at pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar.
Ayon sa Senador ngayong taon matatapos ang implementasyon ng salary standardization law na pinagtibay noong 2019 na nagbibigay umento sa sahod sa mga manggagawa.
Sinabi ni Revilla hindi na tumutugma ang kasalukuyang suweldo ng mga manggagawa katunayang malaking posiyento nito nauubos sa paggastos sa pagkain at batay na rin sa survey ng Philippines Statistics Authority.
Pero habang wala pang batas hinggil dito naghain si Revilla ng Senate Bill no. 1406 na layong itaas ang Personnel Economic Relief Allowance o PERA na ipagkakaloob sa mga manggagawa ng pamahalaan.
Isa itong uri ng subsidy para sa mga government employees na maaring magamit lalo na sa panahon ng inflation at iba pang emergency.
Meanne Corvera