Pagtaas ng teaching allowance ng mga guro aprubado na sa Senado
Pinal nang pinagtibay ng Senado ang panukalang batas para sa unti-unting pagtaas ng teaching supplies allowance ng mga pampublikong guro.
22 Senador ang bumoto pabor sa Senate Bill no. 1094 habang walang tumutol.
Sa panukala, itataas sa 5,000 ang allowance simula sa school year 2021-2022, gagawing 7,500 sa 2022-2023, na itataas naman sa 10,000 sa 2023-2024.
Inaatasan naman ang kalihim ng Department of Education na magsagawa ng periodic review sa teaching supplies allowance.
Meanne Corvera
Please follow and like us: