Pagtaas o pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa, nakadepende sa pagsunod ng publiko sa health protocols
Nakasalalay parin sa pagsunod ng publiko sa minimum public health standards ang pagtaas o pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ito ang iginiit ni Dr. Alethea de Guzman, director ng Epidemiology Bureau ng Department of Health, sa gitna ng pagtaas ng mobility o mga lumalabas ng bahay.
Ayon kay de Guzman, maliban sa pagtaas ng COVID-19 vaccination coverage malaking factor ang pagsunod sa minimum public health standards para mapigilan ang posibleng pagtaas pa ng virus.
Hindi rin aniya dapat pabayaan ang case finding, at maagang detection ng mga kaso ng virus infection upang agad itong ma-isolate at magamot.
Madz Moratillo