Pagtakbo ni Senador Trillanes sa Supreme Court, welcome sa Malakanyang

Malaya ang sinuman na tumakbo sa hukuman para sa legal remedies.

Ito ang sagot ng Malakanyang sa hakbang ni Senador Antonio Trillanes na kuwestiyunin ang legalidad ng pagpapawalang bisa ng amnesty na ibinigay ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa Senador sa pamamagitan ng Proclamation 75.

Ayon kay Roque kung inaakala ni Trillanes na mali si Pangulong Duterte sa pagpapalabas ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa Proclamation 75 ni dating Pangulong Aquino malaya si Trillanes na magpasaklolo sa hukuman o Korte Suprema.

Inihayag ni Roque hanggat walang desisyon ang hukuman itinuturing na epektibo ang Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes.

Secretary Roque:

“Puwede naman pumunta sa hukuman si Senator Trillanes kung sa tingin niya mali ang appreciation ng Presidente. Pero doon sa issue na hindi siya nag-apply, sa issue na hindi siya umamin, tingin ko malinaw na talagang hindi naman niya ginawa ‘yan”.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *