Pagtalakay sa budget ng Comelec ipinatigil ng Senado dahil hindi nagsumite ng dokumento ang ahensya
Namimiligrong hindi maaprubahan ang hinihinging pondo ng Commission on Elections para sa susunod na taon.
Ipinagpaliban ng komite ni Senador Imee Marcos ang pagtalakay sa 4.987 billion na pondo ng ahensya.
Ito’y dahil sa kabiguan ng COMELEC na isumite ang mga hinihinging dokumento ng mga Senador.
Kabilang na rito ang kanilang paliwanag bakit sila humihingi ng karagdagang sampung bilyong piso para sa pagdaraos ng Baranggay at SK elections sa susunod na taon samantalang mayroon na silang kasalukuyang 8.4 billion na pondo para dito.
Ayon kay Marcos, kwestyunable ang karagdagang pondo dahil hindi malinaw kung saan ito gagastusin.
Kaduda duda aniya ito dahil kapag inaprubahan ,mas malaki ang pondo sa manual ng Brgy at SK elections kumpara sa National elections.
Hindi rin masagot ng Comelec ang mga tanong sa isyu ng vote buying at bakit iisang kumpanya lang na Smartmatic ang kinokomisyon para sa pagdaraos ng halalan sa bansa.
Meanne Corvera